Pagkakabalik ng Imahe ng Sto. NIÑO de Tundo
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhytRk5ZpOcF6WZaQYpZXAMkzwGumhbLY2NSR1dKKWv5ahOkPfYylxsUGYzNj_0P0H0y9nfErhhXL-4aqyB3ju71PeN5pa0SpdSNmD7H86XHKAwcfyRnC580f7VRAKb2VFa9X4m3Q8PsD8P/s320/image.png)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjS7Iu_Z498dbi7Ip4IInmfF95GTvvSMem8Lx-_ti4nsxg8Db9n14K7JQf3-dn0HjwpI17F6tNfVdzzpjv0j1FHqtrZ4LDdsclSPYqazStyP65t0ZAhlCminStp81rD8LL0ErpffDCMMeVY/s320/ivory.png)
Nabalitaang nawala ang imahe ng Sto.Nino nung umaga ng Hulyo 14, 1972 ng makita ng mga Assistant Parish Priest na sina Fr. Lorenzo Egos at Fr. Tom Gonzales na wala na ang imahe ng Sto.Nino sa kinalalagyan nito. Naggdulot ito ng matinding pagbaha sa mga lugar sa Central Luzon kasama ang Pampanga at Maynila dulot ng malakas na pag-ulan. Nagkataon na ang malakas na ulan ay naganap matapos nakawin ang imahe ng Sto Nino sa simbahan ng Tundo. Inakala ng marami na sadyang tag-ulan lang , ngunit nagpatuloy ang pag-ulan at pagbaha sa sa buong Gitnang Luzon.
Ang Sto Nino na kahoy ang katawan ngunit ivory ang kamay at mukha ay ibinigay sa mga Pinoy ng mga Kastila mula sa Acapulco, Mexico noong 1570s.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEijLQ_ipmeNdu1QBdRVT8dXAGTJOVsraTAM7-mgP0-EaZn-rjzgp1cyMsGnZHPlOP3J5P6hpTxPXSmdi2QDXX7hCOwHSF5VItsJmX66pSH1WGl7q4FVjlrW8SzKwKNSRbFQRxFORyBadRmW/s320/laman+ng+dyaro.png)
Nanawagan ang dating Mayor ng Maynila na si Mayor Bagatsing sa publiko na ibalik na ang Imahe ng Sto.Nino para tumigil ang pag ulan at patuloy na paglubog ng mga karatig lugar ng Maynila at ng gitnang luzon.
Hindi naglaon, nakita ang katawan ng Sto Nino ngunit wala na ang mukha at kamay nito sa Manuguit, Tundo na hindi kalayuan sa simbahan.
Nag-alok ng tulong si dating First Lady Imelda Marcos upang mabawi ang nawawalang bahagi ng Sto Nino na pansamantalang ibinahay sa Malacanang.
Matapos ipanawagan ang nawawalang bahagi ng katawan ng Sto Nino, ibinalik ng nakabili na si Ginang Eleuteria Pascual, nagmamay-ari ng Gallery sa Vito Cruz Manila ang kamay at mukha ng Sto Nino noong Agosto (1972)- ngunit patuloy pa rin ang pag-ulan.
Pinatawag ng Unang Ginang Imelda Marcos si Bishop Amado Paulino , Kura Paroko at ang kanyang dalawang Assistant na sina Fr. Gonzales at Fr. Egos para kumpirmahin na ayun nga ang nawawalang Parte ng Sto.Nino.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgehQq8Qdsn8NVAO6PLKOm0O7yYp1C7L1f1UwEK_0TjIGNyjjrh3xT-4su_6oLkVJboy9V1syXzC8whdReGMcsO0WkkhdY6nuETzwrz1NJ9yK-NnXSxzPzTDIixs4QO59sZ4UI6I70ayDFH/s320/president.png)
At pagkatapos magawa, nagdaos ng Banal na Misa si Fr. Gonzales sa Malacanang at nagbigay ng homilya na pinamagatang "Joy and happiness in the returned of Sto.Nino na inihalintulad nya sa "Returned of the sinners is a great joy in heaven". Tinukoy nya ito hindi lamang sa gumawa ng pagnanakaw kundi para sa lahat.
Pagkatapos ng Banal na Misa, sinundan ito ng Prusisyon mula sa Malacanang, binagtas ng libu-libong deboto ang baha sa Maynila upang ibalik sa simbahan sa Tundo ang Sto Nino.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiFnVUDzveDC2kr1BYrsK8mfP7zmMdtKNojubf-2ZlLS08cZdA1_Kr1Y7Utbl2ivPHmQTZ2RWq2DzKTbJBlAYYekDApzvPQIfZonqNDJkfREXXDH168AgK5izmQYYhZY7D8D2dw2C1W2oVw/s320/tdyaro.png)
Habang nagprprusisyon, ang ulan ay unti unting tumitila, at ang baha ay unti unting humuhupa at ang araw ay sumikat.
Ipinagdiriwang ang Pagbabalik ng Sto.Nino ng mga taga Tundo tuwing ika-2 ng Agosto taon taon. Nagsasagawa ng Prusisyon ng mga imahe ng Sto.Nino ang mga deboto. Tinuturing na isa ito sa pinakamahalang okasyon o pagdiriwang ng mga taga Tundo kasunod ng Pista ng Sto.Nino tuwing Enero.
Good afternoon po. Would like to ask kung paano ko po macocontact ang author nito? Magtatanong lang po ng tungkol sa old pictures. Salamat po.
TumugonBurahin